Sunday, September 29, 2013

“#MALAYANG SALOOBIN NI MONSKY#”

"Di ko mapigilan ang pagpatak ng aking luha, ibig ko lamang pawalan ang nagpupuyos na damdamin. Animo’y atungal ng isang leong punong puno ng galit na handang managpang anumang oras.  
Courtesy of Google
Inakala kong tinuldukan na ng aklat ng kasaysayan ang mga anomalyang naganap sa ating lipunan ngunit bakit tila bagang nabubuhay muli at paulit ulit lamang ang mga letrang ginamit sa pangnagdaan.

Nakakapanglumong isipin na ang mga naluklok pa sa kapangyarihan upang magsilbi at magtanggol sa mga ordinaryong mamamayan ay sila pa ang namumuno sa pang-aapi at
magiging pangunahing kawatan sa kaban ng bayan.

Nasaan na ang ating mga kakampi at kaagapay? Silang nanumpa nuon ng katapatan sa kanilang mga tungkulin na maglilingkod sa bayang Pilipinas at masang Pilipino ng buong puso at buong kaluluwa, sa isip, sa salita at sa gawa ay maihahalintulad na lamang sa isang larawang nabura sa pagkakaguhit.

Malayang saloobin ang ating kailangan, upang maisawalat ang damdamin ng bawat mamamayan na
may pakialam sa suliranin ng Inang bayan.
 
 
Dati ratiy mga hapon, amerikano, at espanyol na mananakop lamang ang ating kinatatakutan ngunit ngayo'y kapwa Pilipino na ang syang sumasalamin sa MABABANGIS na HALIMAW at mga BAKULAW!!!

Hindi nyo ba naiisip na ang buhay ay
di lamang natatapos sa mundong ibabaw? Napagbulaybulayan nyo na ba na tayo’y haharap at ipagsusulit sa ating Lumikha ang lahat ng mga bagay na ating ginawa sa lupa  mabuti man ito o masama?"

Maraming salamat sa iyong pakikiisa mga kababayan,bagamat alam na natin ang kahihinatnan at alam na nating kasing bagal ng pagong ang pagpapataw ng parusa sa mga kawatan ng bayan at batid natin na kasing tuso sila ng mga ahas na nagtatago sa talahiban ng kagubatan."


No comments:

Post a Comment